
magkakapatid, magkakapamilya
yan na ang turing natin sa isa’t isa
mga kalokohan, mga problema
sa lungkot man o maging sa ligaya
walang iwanan, walang limutan
pero nasaan ka na ngayon kaibigan?
saan nagpunta? anong nangyari?
bakit hindi na tayo katulad ng dati?
mga pinagsamahan, kay daling tinalikuran
walong taon ay naabo ng di ko namamalayan
nakakalungkot, nakakapanghinayang
bakit pagkakaibigan nati’y biglang nasayang?
mga alaala, mga sandali
mga tawanan at mga ngiti
sa alaala na lamang ba makikitang muli?
sa alaala na lamang ba mananatili?
may mga bagay na di man maintindihan
ay paniguradong may magandang dahilan
sisirain pansamantala, bubuuhing muli
sa oras na itinakda Niya, makakapiling kang muli.






